MINSAN SA ISANG TAON

JOHNSON BACALSO JR.                                                                                        G9-JUSTICE

 

                                                MINSAN SA ISANG TAON

 

Ang buhay ay hindi madali lalo na tayo ay mahirap at walang mga permanenteng trabaho kaya nararanasan natin ang matinding hirap sa buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David ay pinamagatang “Minsan Sa Isang Taon” ito ay tungkol sap ag aani ng abaca na isang sangkap sap pag gawa ng pera sa probinsya ng Saranggani sa Mindanao.

Ang abaca ay isang sangkap sa paggawa ng pera at ito ay hindi madaling kunin dahil ito ay makikita pa sa maliblib na mga lugar sa bundok kaya ang pag ani nito ay kinakailangan ng pasensya at tiyaga sa sarili dahil ang proseso ay hindi madali. Basi sa dokumentrayo na panood ko ang mga mamamayan doon sa Saranggani ay pag aani ng abaca ang kanilang tangig hanap buhay dahil wala silang pagkakakitang iba kundi ang pag aani lamang ng abaca. Ang mga mamayanan doon ay wala din maayos na mga pagkain sapagkat ang mga bata ay tumataba hindi dahil malusog sapagkat sila ay kulang sa nutrisyon sa katawan dahil hindi kanin ang kanilang kinakain kundi ang mga bungag kahoy lamang. Bilang isang mag-aaral natutunan ko sa dokumentaryo na ang buhay ay hindi madali lalo na wala tayong permanenteng trabaho kaya bilang isang mag-aaral kailangan nating mag aral ng mabuti habang tayo ay bata pa upang sap ag dating ng panahon na tayo ay may edad na mayroon tayong permanenteng trabaho at hindi tayo makararanas ng gutom. Ang dokumentrayo ni Kara David ay maraming mapupolutang aral dahil ito ay basis a totoong buhay na kung saan ang mamayan sa Saranggani ay nakadanas ng matinding hirap sa buhay kagaya na lamangng bata na napanood ko, siya ay siyam na taong gulang pa lamang pero maurong na siya mag ani ng abaka para sa kaniyang pag aaral ginawa niya itong hanap buhay.

Kung gusto natin maging matagumpay sa buhay ay kailangan nating maging masipag dahil sa ang kahirapan ay hindi hadlang upang tayo ay tumigil sa buhay dahil ang kahirapan ay hindi permanente at iyo ay may hangganan kaya bilang isang tao kahit gaano pa kahirap ang buhay dapat tayo ay magpatuloy lamang at huwag susuko katulad ng mga mamamayan sa dokumentaryo sa kabila ng kahirap na kanilang dinadanas ay patuloy pa din silang lumalaban sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

NAPAPANAHONG ISYU

Beyond the Horizon

Family Day