JOHNSON BACALSO JR G8 INTEGRITY

Magsaliksik at manood ng isang dokumentaryo ukol sa isang pangkat etniko sa ibang

lugar sa mundo na unti-unti ng nawawala sa kontemporaryong panahon . Gumawa ng

essay journal ukol sa video. INTRO, KATAWAN , KONKLUSIYON


ANG TRIBONG BLAAN


Ang kanilang tribo ay nagsimula bago pa ang panahon ng mga Espanyol. Noong

panahon ng Sinaunang Pamayanan kung saan ang kalakalan ay masagana bago

dumating ang mga Espanyol, mayroong dalawang magkapatid na pinuno, sina Flasap

at Pley Fubli. Nag-asawa si Pley Fubli ng isang mangangalakal mula sa gitnang

silangan habang si Flasap naman ay hindi.

Ang teritoryo ng mga Blaan ay nakabase hindi sa papel ngunit sa kanilang “native title,”

wika nga ni Cugan. Ang mga ito ay ang mga katawan ng lupa at tubig na kanilang

pinoprotektahan tulad ng mga bundok, bulubundukin, ilog, lawa, sapa, at iba pa. Sabi

pa ni Cugan, ang tribo ay isang tribo kung siya ay mayroong teritoryo, kultura, at

sistemang pulitikal. Ayon sa kanya, ang teritoryo rin ang nagsasaad ng ekonomiya ng

komunidad habang ang pulitika naman ang nagsasaad sa kung papaano hinahawakan

at pinapatakbo ang buong komunidad. Datu system ang mayroon sa tribo ng Blaan

habang umaabot naman sa Sultanate system ang mga Moro. Sa katunayan, ang

terminong “datu” ay nagmula sa mga “Moro.”

Maliban riyan ay isinusulong din ng mga Blaan ang laban sa sariling pagpapasiya o

self-determination. Isang paraan ng pagpapakita nila nito ay sa pamamagitan ng

edukasyon. Nagtayo sila ng mga alternatibong paaralan para sa kanilang mga

indigenous peoples. Ngunit ito ay nahahadlangan dahil na rin sa patuloy na

militarisasyon sa kanilang lugar. Bagkus ang edukasyon at pagtuturo sa kanilang lugar

ay may hinaharap pang mga sagabal. Ang mga kabataan nila ay minsan narerecruit sa

mga paramilitar. Ginagamit itong mga paramilitar maliban pa sa anti-insurgency na

kampanya ng gobyerno upang sikilin ang mga inisyatibo ng grupong Blaan para sa

sustainable agriculture.Malungkot pang idinagdag ni Cugan na ang national operation, o

ang patuloy na pagwawalang bahala sa kanila at pagmamaliit sa kanilang mga katutubo

ay isa sa mga suliraning kanilang kinahaharap na hindi nararanasan ng ordinaryong

mamamayang Pilipino na hindi naman katutubo.

Comments

Popular posts from this blog

Beyond the Horizon

Family Day

NAPAPANAHONG ISYU